Nanood ako ng Hancock nung isang araw. Isa itong Holywood film na pinangungunahan ni Will Smith at Charlize Theron, mga malalaking pangalan sa industriya ng pelikula sa Amerika. Masasabi kong maganda naman ang pelikula. Nag-enjoy kami ng boyfriend ko sa panunuod.
Sa umpisa pa lang, mapapaisip ka na. Bakit mukhang busabos si Will Smith? Bakit iba makatingin sa kanya si Charlize Theron nung una silang magkita? Bakit masungit sa mga bata at hindi marunong ngumiti si Hancock? Bakit mahilig syang manira ng mga kagamitan, walang sinasanto maski building pa yan, kotse o sidewalk na maraming tao. Masasagot lahat ang katanungan na iyan sa dakong gitna at siyempre sa katapusan ng palabas.
Maganda din ang sequencing, cinematography at kwento ng Hancock. Superb ang visual effects nito. Mapapanganga ka sa talino ng mga Amerikano sa paggawa ng mga ganitong klase ng pelikula. Talaga nga namang magaling sila sa larangan na iyan.
Ang napansin ko lang, walang masyadong kontrabida sa Hancock na dapat sana'y pambalanse sa istorya. Umikot lang ito kay Hancock, sa pagbabago nya mula sa isang snob na superhero tungo sa isang superhero na may respeto sa kapwa at bait sa katauhan.
May mag simbolismo rin ang pelikula. Si Hancock na kumakawatan sa mga ugali at pananaw ng tao. Ang politika na masasalamin sa naging takbo ng buhay ni Hancock. Ang tingin ng tao sa mga superheroes na sa halip na makatulong ay naninira pa. Mga katotohanang nagpapakita lamang ng kagaspangan at kabutihan ng mga tao.
Sa huli, lalabas na tama nga ang blurb, "Hancock is not your average superhero." Bukod sa matapang sya at walang sinasantong masasamang-loob, may damdamin sya, marunong magmahal at marunong magparaya sa ngalan ng pag-ibig at para sa ikakabuti ng mas nakararami.Bilang isang superhero, tunay ngang kahanga-hanga sya.
Nuod na kayo kung gusto nyong matawa, mamangha at mapangiti. Palabas pa rin ang Hancock sa mga sinehan sa susunod na isa o dalawang linggo. :)