Ang Iba ko Pang Mga Blog...Basa Na!!!

breadwinner, sexy Filipina blog world buzz today budget shopping ads food station, food trips my photo blog multiply-small friendster blog first blog

Monday, September 15, 2008

Sakit ng Ulo Dahil sa Pabago-Bagong Temperatura

headache

Nagkatrangkaso ako nung isang linggo. Tatlong araw din akong hindi nakapasok ng opisina. Mabuti na lang at marami akong offset kaya di mababawasan ang leave credits ko. Mabuti na lang din at mabait ang future MIL ko na s'yang nag-alaga sa akin nung mga sandaling inaapoy ako ng lagnat at parang binugbog sa sakit ang katawan ko.

Tunay na nakakapanibago ang panahon ngayon. Napansin ko na mabilis sumakit ang ulo ko kapag pabago-bago ang temperatura ng paligid ko. Halimbawa na lang, sa opisina bukas ang air-con lage at sa labas naman ay sobrang init ng panahon.Dahil nababad ako sa air-con, paglabas ko sa tanghali na sobra ngang init ay nag-iiba agad ang pakiramdam ko. Sumasakit ang ulo ko. Sa una, may kirot akong nararamdaman sa gawing noo, pag tumagal pa, sasakit na ang ulo ko. Nawawala din naman agad makalipas ang ilang oras.

Mahalaga sa akin ang kalusugan. Mahirap man kami at walang sapat na pera para magpatingin ng regular sa doktor, sinisiguro kong maingat ako sa aking kalusugan. Kapag hindi nawala at laging ganito ang nangyayari sa tuwing magbabago ang temperatura sa paligid ko, siguro ay kailngan ko ng magpatingin sa doktor. Sa ngayon, oobserbahan ko na lang muna.

Kayo, nakakaramdam din ba kayo ng pananakit ng ulo dahil sa pabago-bagong temperatura?


Wednesday, September 3, 2008

Sariwang Katas ng Ubas

Mahilig ako sa ubas kahit di kami mayaman. Kapag may ubas na dala ang Tatay ko bilang pasalubong sa tuwing uuwi sya galing sa trabaho (kinsenas at katapusan lang po ito kada buwan), ako ang nakakaubos. Mabuti na lang at mabait ang mga kapatid ko, di sila nagagalit kapag nagmamatakaw ako. Siguro ay dahil na rin mga bata pa sila, inosente pa at wala pa sa isip nila ang panlalamang na ginagawa ko noon.

Bakit nga ba napunta sa ubas ang usapan? Kanina kasi may nagbigay ng isang malaking pitsel ng sariwang katas ng ubas sa opisina namin. Siyempre ako ang pinakanagalak. Higit naman kasing masarap ang sariwa kesa sa pinulbos na katas ng ubas na nabibili sa supermarket. Nakatatlong baso ako. Buti na lang di rin masyadong nahalata ng mga kaopisina ko. O kung may nakapuna man, di na lang siguro pinansin.

Kaya masaya talaga ako ngayon at masipag. Hindi ko alam kung dahil ba sa fructose o sa kung anumang nutrient na meron ang ubas kaya ako hyper ngayon. Basta ang alam ko lang, ganito pala ang epekto ng tatlong baso ng sariwang katas ng ubas sa akin. :)

Pinanggalingan ng litrato: http://www.knowledgerush.com

Ads

pacquiao vs cotto 24/7 episode 2 3 4 video | Haagen Dazs Robinsons Place Manila | Zest Air Promos | Sikat ang Pinoy | Cheap Braces Manila dine laang Pacquiao vs Margarito Live Stream