Nagkatrangkaso ako nung isang linggo. Tatlong araw din akong hindi nakapasok ng opisina. Mabuti na lang at marami akong offset kaya di mababawasan ang leave credits ko. Mabuti na lang din at mabait ang future MIL ko na s'yang nag-alaga sa akin nung mga sandaling inaapoy ako ng lagnat at parang binugbog sa sakit ang katawan ko.
Tunay na nakakapanibago ang panahon ngayon. Napansin ko na mabilis sumakit ang ulo ko kapag pabago-bago ang temperatura ng paligid ko. Halimbawa na lang, sa opisina bukas ang air-con lage at sa labas naman ay sobrang init ng panahon.Dahil nababad ako sa air-con, paglabas ko sa tanghali na sobra ngang init ay nag-iiba agad ang pakiramdam ko. Sumasakit ang ulo ko. Sa una, may kirot akong nararamdaman sa gawing noo, pag tumagal pa, sasakit na ang ulo ko. Nawawala din naman agad makalipas ang ilang oras.
Mahalaga sa akin ang kalusugan. Mahirap man kami at walang sapat na pera para magpatingin ng regular sa doktor, sinisiguro kong maingat ako sa aking kalusugan. Kapag hindi nawala at laging ganito ang nangyayari sa tuwing magbabago ang temperatura sa paligid ko, siguro ay kailngan ko ng magpatingin sa doktor. Sa ngayon, oobserbahan ko na lang muna.
Kayo, nakakaramdam din ba kayo ng pananakit ng ulo dahil sa pabago-bagong temperatura?

5 comments:
alam mo takot kaming mag anak sa aircon e, hindi kasi uso dito sa alemanya ang aircon :D kaya kapag asa pinas kami, iwas kami sa mga de aircon. dun sa hotel rooms namin, parating fan lang yan. sa mga restos naman sa pinas, request namin parati na huwag kami itapat sa aircon o minsan pinapapatay namin ang aircon, hahaha. kasi nakakasama talaga sa katawan, pawisan ka sa labas tapos pagpasok mo sa loob ang lamig! pagaling ka.
@kengkay: ah ganun pala sa aleman.oo, tama ka nakakasama nga sa katawan ang pabagu-bagong temperatura.salamat, maayos na ako ngayon.ingat na rin lage sa aircon para di sumakit ang ulo.:)
Really beautiful posting.
Good imagination!
Congratulations!!!
good morning, how are you today?
I don't know tagalog, only a view words such as Sakit=sick (same words in Bahasa Indonesia); Selamat=thank you; isda=fish. Those words I got from fillipino friends when I was in Qatar.
@david santos: thank you.
@prihandoko: im fine.ah really,that's nice to hear.yeah, there are a lot of Filipino words that resemble many Indonesian words. Must be due to our Malayan influence. :)
Post a Comment