Ang Iba ko Pang Mga Blog...Basa Na!!!

breadwinner, sexy Filipina blog world buzz today budget shopping ads food station, food trips my photo blog multiply-small friendster blog first blog

Wednesday, September 3, 2008

Sariwang Katas ng Ubas

Mahilig ako sa ubas kahit di kami mayaman. Kapag may ubas na dala ang Tatay ko bilang pasalubong sa tuwing uuwi sya galing sa trabaho (kinsenas at katapusan lang po ito kada buwan), ako ang nakakaubos. Mabuti na lang at mabait ang mga kapatid ko, di sila nagagalit kapag nagmamatakaw ako. Siguro ay dahil na rin mga bata pa sila, inosente pa at wala pa sa isip nila ang panlalamang na ginagawa ko noon.

Bakit nga ba napunta sa ubas ang usapan? Kanina kasi may nagbigay ng isang malaking pitsel ng sariwang katas ng ubas sa opisina namin. Siyempre ako ang pinakanagalak. Higit naman kasing masarap ang sariwa kesa sa pinulbos na katas ng ubas na nabibili sa supermarket. Nakatatlong baso ako. Buti na lang di rin masyadong nahalata ng mga kaopisina ko. O kung may nakapuna man, di na lang siguro pinansin.

Kaya masaya talaga ako ngayon at masipag. Hindi ko alam kung dahil ba sa fructose o sa kung anumang nutrient na meron ang ubas kaya ako hyper ngayon. Basta ang alam ko lang, ganito pala ang epekto ng tatlong baso ng sariwang katas ng ubas sa akin. :)

Pinanggalingan ng litrato: http://www.knowledgerush.com

2 comments:

raqgold said...

kung mapadpad ka pala dito sa amin, pwede kang tumambay ng buong araw dun sa aming munting vineyard ekek -- lalo pat ngayon na ang panahon ng ubas. at sa totoo lang, iba ang lasa ng sariling ubas :D

edelweiza said...

talaga raggold? ayos ah.ang galing naman, sana nga mapadpad ako sa vineyard mo.sa totoo lang,di pa ako nakakakita ng vineyard sa personal. :)

Ads

pacquiao vs cotto 24/7 episode 2 3 4 video | Haagen Dazs Robinsons Place Manila | Zest Air Promos | Sikat ang Pinoy | Cheap Braces Manila dine laang Pacquiao vs Margarito Live Stream