Malapit na mag alas-singko ng hapon. Malapit na kaming umalis. Ngayong gabi, kasama ng aking mga kaopisina at dalawa kong kapatid (oo, lagi akong nagsasama ng kapatid o kaibigan sa mga office outing), sasawsaw kami sa maligamgam na tubig ng Agua Caliente sa Pansol, Laguna. Bale pa-birthday blowout namin ito ng dalawa ko pang kaopisina (tama ka, October celebrants kaming tatlo).
Sagot naming tatlo ang pagkain pero kanya-kanyang-bayad (KKB) kami sa entrance fee at iba pang gastusin. Mapalad kami dahil sinagot ng isang boss namin ang sasakyan namin. Naka-van kami, sosyal diba? Salamat talaga sa kanya dahil sobrang galante nya.
Matagal-tagal na rin ng huli akong tumungo ng Laguna. Bigla ko tuloy naalala ang tiyahin kong maysakit na taga Sta. Rosa. Ang pagkakatanda ko, noong nakaraang Pasko pa ang huling dalaw ko sa kanya. Di bale, malapit na namang magPasko ulit kaya pihadong magkikita na naman kami.
Sige kaibigan, tatawagan ko pa ang mga kapatid ko para ipag-empake ako ng mga gamit ko. Excited na ako dahil hot spring ang liliguan namin. Bukod doon, marami rin kaming baong pagkain. Tataba na naman ako. Lol. Tiyak na masaya ang gabing ito! :)