Nabalitaan ko na mamimigay ka ng sandamakmak na kaperahan bago matapos ang taong ito sa pamamagitan ng isang pakontes para sa mga kagaya mong taga-Timbuktu. Di man ako taga Timbuktu pero gusto ko ring magkapera. Pasensya na, tao lang ako na marunong mangarap kumain sa Jollibee kasama ng aking mga binubuhay na kapamilya at kapuso.
Napatulo kasi ang luha ko sa sinulat mong ito. Hindi dahil may buntot ka sa harap o kamukha ka ng isang ninuno ko kundi dahil dito ko higit na nalaman kung sino ka, san ka nagmula at kung may kinabukasan bang naghihintay sayo at sa mga kagaya mo. Tulad mo kasi, nakaranas rin ako ng panlilibak mula sa mga tao sa paligid ko lalo na noong kami ay sa bundok pa naninirahan. Madalas kasi ay tinutukso nila ako ng ______. Ay, ayoko na palang ikwento dito iyon, dahil tapos na iyon at ako'y nakapagmove on na, ika nga. Basta, masakit iyon at kapag naaalala ko, di ko pa rin mapagilang maiyak sa kakatawa. "They're such a loser" kasi.
Mabalik tayo sa pakontes mo. Alam mo kasi Buraot, matanda na ang aking mga magulang. Ako na lamang din ang inaasahan sa amin. Kaya nga siguro ang titulo ng personal kong blog ay swak na swak talaga sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ito ang blog na iyon kung iyan ang inisiip mo. Isa lamang ito sa mga blog na pinaglalaruan ko kapag inaatake ako ng sakit ko -- ang magsulat upang ilabas ang aking damdamin, gamit ang makalumang kaisipan at salita.
Hindi ko na pakahahabaan pa ang liham kong ito. Marami pa akong gagawin upang may maipantawid-gutom ang pamilya ko. Basta, umaasa akong hindi mo ako bibiguin. Hindi dahil nasiyahan ka sa sulat ko kundi dahil naaawa ka sa akin at gusto mo akong matulungan. Alam kong mababait ang mga taga-Timbuktu. Pagpalain ka nawa ng Bathala nyo at harinawa nga'y tubuan ka ng buntot sa likod para naman magkatotoo na ang matagal ng hiling ng mga nanlilibak sa iyo mula noon at magpa sa hanggang ngayon.
Mabuhay ka at maraming salamat sa oras mo.
Nagmamahal,
Edelweiza a.k.a. Reyna ng Tralala
Paunawa sa Makakabasa: Ang bukas na liham na nabasa nyo ngayon lang (oo ngayon lang, hindi kanina o nung isang araw o nung isang taon) ay ipinasok ko sa pakontes ni Buraot na makikita dito sa makabagong adres na ito http://www.anaknikulapo.com. Wala kayong kailangang gawin kundi bolahin si Buraot o kaya naman libakin sya upang mapansin nya ang isinali nyong katha. Mamili lamang ng isang katha nya na nagustuhan nyo o nakapagpatulo sa laway nyo dahil sa inggit o galit o pareho. I-link nyo lang ang katha na iyon gayundin ang blog nya sa katha nyo. Simple lang hindi ba? Pero kung di ka makaintindi, wag ka na lang sumali.
Malaki ang papremyo at kung wala kayong sinasanto kundi dollar sign, eto na ang pagkakaton nyo. Basta pag nanalo kayo, balatuhan nyo ko dahil sa akin nyo nalaman ang pakontes na ito. Okey ba yun? Sige na, ba-bye...Mga istorbo! :)

3 comments:
dear reyna ng tralala,
ang iyong liham na ginawa noong isang taon ay natanggap ko na mula sa post opis.
ngayon ay parang alam ko na rin kung saang lupalop ka rin nanggaling na kagaya ko.
pero datapwat subalit ngunit dahil, katangap tanggap na ang iyong pormal na entry sa ms. earth.
nagmamahal,
charo
dami mo pala blogs... ako din madami... kaso isa lng ang active... lol...
@buraot: salamat mamang taga-timbuktu :)
@vhonne:ok lang yan..kaya mo yan..hehe. :)
Post a Comment