Ang Iba ko Pang Mga Blog...Basa Na!!!

breadwinner, sexy Filipina blog world buzz today budget shopping ads food station, food trips my photo blog multiply-small friendster blog first blog

Thursday, November 6, 2008

Internet Connection

‘Di kumpleto ang aking buhay
‘Pag walang internet ako’y matamlay
Trabaho sa opisina’y laging sablay
‘Pag walang internet na gumagabay

Pagbukas pa lamang ng aking computer
Koneksyon na agad ang minamaster
Sinisiguradong konektado sa network
Upang internet ay magamit sa work

Internet, parte na ng buhay
Kung wala nito, ‘di maikakampay
Ang mga pakpak na gustong lumipad
Abutin ang pangarap, sa malayo mapadpad

Salamat sa teknolohiya
Ang internet abot-kamay na
Ang mga tao’y naging konektado
Dahil sa internet, masaya tayo

Kaalaman at talino’y naibabahagi
Internet ang siyang naging susi
Kaya’t kung walang koneksyon, ayusin agad natin
Pagpapatuloy ng internet, lagi dapat isipin

Masaya na naman, internet gumana na!
Ang natutulog kong diwa, ngayon ay gising na
Internet ang nagpapasigla ng damdamin
At nagbibigay buhay sa mundong malungkutin

Internet, oh internet kailangan kita
Koneksyon, oh koneksyon…wag ka nang magloko pa
Araw ay di kumpleto, buhay ay di masaya
Kung walang internet, kaibigan nasaan ka?

Tuesday, November 4, 2008

Kanin ang Salarin

kanin, lutong kanin, kalusugan, wastong timbang

Ewan ko pero nitong mga nakakaraang araw, bigla na lang akong nain-love ng todo sa kanin. Dati, ang bigat ko ay 118 lbs., ngayon nasa 126 na ako. Okey pa sana ang 126 lbs. sa taas kong limang talampakan at apat na pulgada, kaso nga lang, mabigat na ang pakiramdam ko at nananambok na ang mga pisngi ko sa litrato. Akalain mong nangyari ang transpormasyong iyan sa loob lamang ng isang buwan at tatlong araw!

Kaya naman parang nagmumuni-muni ako ngayon. Alam kong dapat na akong kumilos dahil seryosong bagay na ito. Ayokong maging isang balyena. Pakundangan sa mga balyena pero wala akong masamang iniisip sa inyo. Ang sa akin lang eh ayokong bumigat ng bumigat. Baka kasi bumigay ang kalusugan ko. Ayokong namang mangyari yon.

Kaya mula ngayon, sisikapin kong magbawas ng kain ng kanin. Bakit naman kasi parang bigla kong na-miss ang pagkaing ito. Sa lahat naman ng pagkain ay bakit kanin pa. Tunay kasing ang lakas nitong magpataba. Kung hindi ko maaagapan ito, baka lumobo pa ako. Huwag naman sana.

Natatandaan ko pa, nabawasan ang timbang ko dahil binawasan ko ang konsumo ko ng kanin. Maraming nakapansin nang lumiit ang katawan ko. Inulan ako ng papuri mula sa mga kaibigan at maging sa mga estranghero. Nadagdagan din ang kumpiyansa ko sa sarili. Ang sarap ng pakiramdam ko noon. Pero eto nga, dumating ang panahon na ginanahan ulit akong kumain ng kanin at biglang tumaas na naman ang timbang ko. At ito ay dahil sa kaning ginawa ko ng agahan, meryenda, tanghalian at hapunan. Haaaaay, tunay nga naman...kanin ang salarin.

Pinanggalingan ng Litrato: http://www.nsknet.or.jp

Ads

pacquiao vs cotto 24/7 episode 2 3 4 video | Haagen Dazs Robinsons Place Manila | Zest Air Promos | Sikat ang Pinoy | Cheap Braces Manila dine laang Pacquiao vs Margarito Live Stream