Mamayang gabi na ang uwi ng aking ama mula sa Negros. Sasamahan sya ng aking ina patungo sa airport. Darating sya upang ihatid sa graduation ceremony ang aking kapatid na magtatapos sa kolehiyo sa darating na Biyernes. Masaya ako ngayon dahil malapit ko na ulit makita ang aking ama.
Ramdam na ramdam ko ang excitement na uuwi na sya at maski sandaling panahon ay magkakasama kami. Kung marami lang akong pera, siguro'y pinauwi ko rin ang aking ina, gayundin ang isa ko pang kapatid na kasama nila sa probinsya. Pero dahil may sinusunod akong budget at abu't abot ang gastos namin sa buwang ito, hindi ko ito nagawa. Naunawaan naman ako ng dalawa. Konting panahon na lang naman at magkakasama sama na rin kami. Kaming buong pamilya. Sa iisang bubong. Malapit na rin iyon.
Nagagalak ako dahil hindi ko halos namalayan ang panahon. Nakapagpatapos na pala ko ng isang kapatid. Ilang buwan pa at makakapagtrabaho na rin ito. May awa ang Diyos. Pag nagkataon, dalawa na kaming magkatulong na bubuhay sa aming pamilya. Masaya nga talaga ito.
Mamaya, sama-sama kaming maghahapunan ng dalawa kong kapatid at ng aming ama. Magkukuwentuhan kami ng matagal. Magtatawanan at magbabalitaan. Matutulog kaming lahat sa masikip naming boarding house na may ngiti sa labi.
Masaya ang buhay. Masaya talaga. Hindi ko na iisipin na mauubos ang pera ko ngayong buwan. Na kakapusin ako sa susunod na buwan dahil sa maraming magiging ekstrang gastos. Magtatrabaho na lang ako ng mahusay. Magsisipag ako ng doble. Lahat naman ay nakukuha sa tiyaga.
Ang higit na mahalaga, magkikita na ulit kami ng aming ama. At walang kapalit iyon.