Ang Iba ko Pang Mga Blog...Basa Na!!!

breadwinner, sexy Filipina blog world buzz today budget shopping ads food station, food trips my photo blog multiply-small friendster blog first blog

Tuesday, November 2, 2010

Bagong Bahay, Bagong Buhay

Marami nang nangyari noong mga nakalipas na buwan. Una na doon ang pagsasama naming buong pamilya dito sa Maynila. Okey na rin ang bahay na hinuhulugan ko sa Cavite. Doon na nakatira ngayon ang aking mga magulang (mga ilang buwan na rin ang nakakalipas) at dinadalaw namin sila tuwing Sabado at Linggo kung kailan walang pasok sa eskuwela at trabaho.

Noong Setyembre 15 naman, lumipat na kami sa bago at malaki naming bahay dito sa Maynila. Bago mo isipin na mayaman ako, nais kong ipabatid na mangungupahan lang kami gaya ng dati at hindi matatawag mansyon ang bahay namin ngayon. Isa lamang itong apartment na may sariling CR, maliit na sala at kusina at isang maluwang na kwarto. Ang kaibahan lang, kumpara sa dating boarding house na nirerentahan namin, mas malaki at maaliwalas nang tingnan ang bago namin bahay ngayon. Nakakatuwa talaga.

Nalulugod ako na maaari ko nang papuntahin ang aming mga magulang dito sa Maynila upang samahan kami ng mga kapatid ko paminsan minsan. Kaiba ito sa estado namin noon sa dati naming nirerentahan kung saan hindi pwedeng sumobra sa apat ang pwede namin patuluyin sa aming maliit na kwarto. Kaya nga ba't kami lang apat na magkakapatid ang nagkakasya doon.

Nakakatuwang isipin na hindi ako nahirapang magpaalam sa masungit naming landlord. Maluwag naman sa loob na tinanggap nito ang aking pagpapaalam. Nagdahilan na lamang ako na mag-uuwian na kami sa Cavite. Ayoko na kasing ipaalam sa kanya noong mga panahong iyon na kaya kami lilipat sa ibang bahay ay dahil nasisikipan na kami sa aming tinitirhan.

Maayos at maaliwalas ang apartment na inuupahan namin ngayon. Nang magdaos nga ng kaarawan ang aking ama nitong nakaraang linggo, nagawa ko pang makapag-imbita ng higit sa isandosenang tao upang makisaya sa amin. Nakakatuwa talaga. Imposibleng magawa ko iyon kung sa dating bahay pa rin kami nakatira.

May bago na kaming bahay kaya dapat lamang na magbagong buhay na rin kami. Sabi ko nga sa mga kapatid ko, wala ng dahilan upang hindi kami makapagwalis ng ilang araw ngayon. Wala na ring dahilan upang ipunin namin ang alikabok sa aming mga kagamitan. Sa tingin ko, dapat ay lagi na kaming maayos sa aming bahay ngayon.

Sana nga. Sana nga ganahan na kaming imentina ang kaayusang tinatamasa namin sa loob ng bahay ngayon, mula sa maluwang na CR hanggang sa mataas na kisame at malapad na pinto. Sana nga maging inspirasyon namin ang mahanging bintana at malawak na kwarto upang mapanatili naming nasa magandang kondisyon ang bahay na sya na naming tirahan sa ngayon. Sana nga.

Ads

pacquiao vs cotto 24/7 episode 2 3 4 video | Haagen Dazs Robinsons Place Manila | Zest Air Promos | Sikat ang Pinoy | Cheap Braces Manila dine laang Pacquiao vs Margarito Live Stream