Ang Iba ko Pang Mga Blog...Basa Na!!!

breadwinner, sexy Filipina blog world buzz today budget shopping ads food station, food trips my photo blog multiply-small friendster blog first blog

Friday, August 15, 2008

Biyernes na Naman

Sa lahat ng araw na ginawa ng Diyos, Biyernes ang pinakapaborito ko. Bakit? Pakiramdam ko kasi, kapag Biyernes na, bumabagal ang mundo. Yung tipong may hatid na matagal na pahinga. Oo nga naman, ito na kasi ang simula ng weekend at walang pasok sa trabaho ang karamihan. Gaya ko.

Pagsapit ng Biyernes, magaan na ang pakiramdam ko. Hindi naman yung tipong nakalutang sa ere kasi epekto na ng bawal na gamot yun, ang tinutukoy ko ay yung gaang maginhawa sa pakiramdam. Siguro ang mas tamang termino sa Ingles ng pakiramdam na iyon ay laidback. Tama, laidback nga. Ganun ang pkiramdam ko pag araw ng Biyernes kasi alam kong bukod sa konti ang trabaho o kadalasa'y natapos ko na ang mga gawain ko sa opisina, pwedeng pwede na akong gumala sa gabi kasama ng mga kaibigan o makipagkulitan sa mga kapatid ko. O kaya naman, pag medyo sinuswerte, matatawagan pa ako sa part-time job ko. Ibig sabihin, ekstrang kita yon na laging welcome sa akin.

Pero ano nga bang meron sa Biyernes? Sabi ng iba, malas daw ito. Di nga ba't kapag tumapat ang araw na ito sa ika-13 ng kalendaryo at makasalubong ka ng pusang itim sa kalye ay mamalasin ka. Isa yan sa mga matatandang kaisipang patuloy na ibinabahagi sa bawat henerasyong dumarating. Pero may pangontra naman daw doon. Kung makakasalubong ka ng pusang itim, dumura ka lang daw upang di ka malasin. Yan ang ginagawa ko.

Mabalik tayo sa araw ng Biyernes, iba talaga ang dating ng araw na ito sa akin. Nagbibigay ito ng kakaibang sigla sa akin kumpara sa araw ng Lunes o Linggo. Siguro kanya kanyang paniniwala lang yan. Maaaring sikolohikal lang ito pero masasabi kong paborito ko talaga ang Biyernes.

At kung meron naman akong pinakagustong buwan bukod sa buwan ng kaarawan ko, iyan ang Setyembre. Pero ibang post na iyan na dapat mong abangan. Ah basta, Biyernes ngayon dito sa Pilipinas at masaya ako dahil doon.

Maligayang araw ng Biyernes sa lahat! :)

No comments:

Ads

pacquiao vs cotto 24/7 episode 2 3 4 video | Haagen Dazs Robinsons Place Manila | Zest Air Promos | Sikat ang Pinoy | Cheap Braces Manila dine laang Pacquiao vs Margarito Live Stream