‘Di kumpleto ang aking buhay
‘Pag walang internet ako’y matamlay
Trabaho sa opisina’y laging sablay
‘Pag walang internet na gumagabay
Pagbukas pa lamang ng aking computer
Koneksyon na agad ang minamaster
Sinisiguradong konektado sa network
Upang internet ay magamit sa work
Internet, parte na ng buhay
Kung wala nito, ‘di maikakampay
Ang mga pakpak na gustong lumipad
Abutin ang pangarap, sa malayo mapadpad
Salamat sa teknolohiya
Ang internet abot-kamay na
Ang mga tao’y naging konektado
Dahil sa internet, masaya tayo
Kaalaman at talino’y naibabahagi
Internet ang siyang naging susi
Kaya’t kung walang koneksyon, ayusin agad natin
Pagpapatuloy ng internet, lagi dapat isipin
Masaya na naman, internet gumana na!
Ang natutulog kong diwa, ngayon ay gising na
Internet ang nagpapasigla ng damdamin
At nagbibigay buhay sa mundong malungkutin
Internet, oh internet kailangan kita
Koneksyon, oh koneksyon…wag ka nang magloko pa
Araw ay di kumpleto, buhay ay di masaya
Kung walang internet, kaibigan nasaan ka?
Thursday, November 6, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
pareho tayo, bow :)
@raqgold: nagloko internet ko kaya nakapagcompose ako ng tula. hehe. :)
nayahahhahaha.... isa pa. nyahahahaha. ako'y napangiti sa iyong tula. (nahawa ata ako sa pagiging makata mo). hak hak hak. (--,)
@ka bute: hehe, salamat at may napapangiti pala ang tula ko. :)
sabi ko na inspired ang tulang ito. ganyan talaga kapag nawawalan ng internet, naloloka ang mga tao. hehe.. boypren ko nagkakasakit kapag sira ang computer, kapag walang net, matamlay. ahahay
ano po ba ang day job mo? parang kinakarir mo tong mga blog mo eh, hehehe!
Fedhz
@fedz: nakakagawa lang tlga ako ng tula pag inspired.naku di po, di nga ako updated laging may backlog posts..eheh. i work for the government. :)
Post a Comment