Ang Iba ko Pang Mga Blog...Basa Na!!!

breadwinner, sexy Filipina blog world buzz today budget shopping ads food station, food trips my photo blog multiply-small friendster blog first blog

Friday, October 24, 2008

Night Swimming

pool

Malapit na mag alas-singko ng hapon. Malapit na kaming umalis. Ngayong gabi, kasama ng aking mga kaopisina at dalawa kong kapatid (oo, lagi akong nagsasama ng kapatid o kaibigan sa mga office outing), sasawsaw kami sa maligamgam na tubig ng Agua Caliente sa Pansol, Laguna. Bale pa-birthday blowout namin ito ng dalawa ko pang kaopisina (tama ka, October celebrants kaming tatlo).

Sagot naming tatlo ang pagkain pero kanya-kanyang-bayad (KKB) kami sa entrance fee at iba pang gastusin. Mapalad kami dahil sinagot ng isang boss namin ang sasakyan namin. Naka-van kami, sosyal diba? Salamat talaga sa kanya dahil sobrang galante nya.

Matagal-tagal na rin ng huli akong tumungo ng Laguna. Bigla ko tuloy naalala ang tiyahin kong maysakit na taga Sta. Rosa. Ang pagkakatanda ko, noong nakaraang Pasko pa ang huling dalaw ko sa kanya. Di bale, malapit na namang magPasko ulit kaya pihadong magkikita na naman kami.

Sige kaibigan, tatawagan ko pa ang mga kapatid ko para ipag-empake ako ng mga gamit ko. Excited na ako dahil hot spring ang liliguan namin. Bukod doon, marami rin kaming baong pagkain. Tataba na naman ako. Lol. Tiyak na masaya ang gabing ito! :)

4 comments:

kegler747 said...

Love na love ko ang nightswimming sa Los Banos, Laguna... Ang sarap!

edelweiza said...

@kegler747: korek, ang saya namin last friday, sa Cuyab Hot Spring Resort kami.kami lang tao, parang private pool tuloy yun nung gabing iyon.super enjoy! hehe. :)

Anonymous said...

hay, ang tagal ko ng pramis sa mga pamilya ko na dadalhin ko sila dyan sa laguna hot spring pero until now di pa rin magawa, hehe. dati ring akong batikan sa mga night swimming na yan, mas masarap di ba esp since halos inyo ang resort!

edelweiza said...

@kengkay: yaan mo matutupad din yon.maniwala ka lang.hehe. korek, msaya ang night swimming esp. kayo kayo lng ng grupo mo, prang ngrent kayo ng private pool.gnyang gnyan kami sa agua caliente dati, at recently dito sa cuyab hot spring..sarap..mauulit nga daw eh, mnlilibre ang bossing ko, sana matuloy.. :)

Ads

pacquiao vs cotto 24/7 episode 2 3 4 video | Haagen Dazs Robinsons Place Manila | Zest Air Promos | Sikat ang Pinoy | Cheap Braces Manila dine laang Pacquiao vs Margarito Live Stream