Ang Iba ko Pang Mga Blog...Basa Na!!!

breadwinner, sexy Filipina blog world buzz today budget shopping ads food station, food trips my photo blog multiply-small friendster blog first blog

Tuesday, November 4, 2008

Kanin ang Salarin

kanin, lutong kanin, kalusugan, wastong timbang

Ewan ko pero nitong mga nakakaraang araw, bigla na lang akong nain-love ng todo sa kanin. Dati, ang bigat ko ay 118 lbs., ngayon nasa 126 na ako. Okey pa sana ang 126 lbs. sa taas kong limang talampakan at apat na pulgada, kaso nga lang, mabigat na ang pakiramdam ko at nananambok na ang mga pisngi ko sa litrato. Akalain mong nangyari ang transpormasyong iyan sa loob lamang ng isang buwan at tatlong araw!

Kaya naman parang nagmumuni-muni ako ngayon. Alam kong dapat na akong kumilos dahil seryosong bagay na ito. Ayokong maging isang balyena. Pakundangan sa mga balyena pero wala akong masamang iniisip sa inyo. Ang sa akin lang eh ayokong bumigat ng bumigat. Baka kasi bumigay ang kalusugan ko. Ayokong namang mangyari yon.

Kaya mula ngayon, sisikapin kong magbawas ng kain ng kanin. Bakit naman kasi parang bigla kong na-miss ang pagkaing ito. Sa lahat naman ng pagkain ay bakit kanin pa. Tunay kasing ang lakas nitong magpataba. Kung hindi ko maaagapan ito, baka lumobo pa ako. Huwag naman sana.

Natatandaan ko pa, nabawasan ang timbang ko dahil binawasan ko ang konsumo ko ng kanin. Maraming nakapansin nang lumiit ang katawan ko. Inulan ako ng papuri mula sa mga kaibigan at maging sa mga estranghero. Nadagdagan din ang kumpiyansa ko sa sarili. Ang sarap ng pakiramdam ko noon. Pero eto nga, dumating ang panahon na ginanahan ulit akong kumain ng kanin at biglang tumaas na naman ang timbang ko. At ito ay dahil sa kaning ginawa ko ng agahan, meryenda, tanghalian at hapunan. Haaaaay, tunay nga naman...kanin ang salarin.

Pinanggalingan ng Litrato: http://www.nsknet.or.jp

2 comments:

Allen's Darling said...

Hi Edelweiza

"yes..that's the salarin" hehhee pati ako tambok na pud..hehehe.

ANyway...Just wondering if may " Advertisers na din na din n filipino now... kc dami n tagalog blogs nakita ko.

see yah around

edelweiza said...

@allen's darling: naku parang di naman halata, slim mo pa rin.hehe.i dunno but i hope there are advertisers too that cater to filipino blogs. :)

Ads

pacquiao vs cotto 24/7 episode 2 3 4 video | Haagen Dazs Robinsons Place Manila | Zest Air Promos | Sikat ang Pinoy | Cheap Braces Manila dine laang Pacquiao vs Margarito Live Stream